KABANATA 16 - SI RIZAL SA BRUSSELS
A. Ang Buhay ni Rizal sa Brussels
I. Dahilan ni Rizal para lisanin ang Paris
a. napakataas ng pamumuhay sa Paris.
b. ang kasiyahan sa lungsod ay nagiging balakid sa kanyang pagsulat, Lalo na sa pagsulat ng kanyang ikalawang nobela ang El filibusterismo.
* ngunit naniniwala si M. H. Del Pilar at Valentin Ventura na ang dahilan ng kanyang pagais ay dahil sa babaing iniwan niya sa London.
1. Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng
2. Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad .
3. Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima.
4. Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin niya ang labis na katipiran ni Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa bahay at pagluluto nila ng pansit.
5. Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay nasa
a. A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio Escosura.
b. La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga.
c. Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa tanghalang sining ng mga Tagalog.
d. Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa.
e. Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
f. Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito.
g. Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma.
h. Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang paninira ni Mir Deas.
i. Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino.
j. Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni Gobernador Weyler sa mga taga-Calamba na huwag magpalinlang sa mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak (isa na dito si Rizal).
1. Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala na kanyang inilathala sa La Solidaridad. Ngunit ibinigay niya ang karangalan kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera awtor ng El sanscrito en la Lengua Tagala.
2. Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa Aleman sa wikang Tagalog.
3. Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipino sa
4. Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita.
a. Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba.
b. Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal.
c. Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon sa
d. Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na kamatayan.
1. Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay nagbalak ng umuwi, sa dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce.
2. Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo sa
dahil sa pagiisip sa kinasapitan ng kanyang pamilya isinulat niya ang "A Mi....."
3. Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby - ang pamangkin ng kanyang mga kasera.
KABANATA 17 - MGA KABIGUAN SA MADRID
A. Kabiguan sa Katarungan
1. Sa pagdating ni Rizal sa
2. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado at pati na rin si Dr. Dominador Gomez kalihim ng Asociacion Hispano-Filipina kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
3. Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na lamang."
4. Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano.
5. Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay lamang ng pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
A. Iba pang mga Kabiguan sa
1. Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang propaganda na si Jose Maria Panganiban.
2. Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo dahilan sa karibalan sa babae. Nang matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan.
3. Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si Retana ay isang mamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga makabayang Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino. Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal .
4. Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera.
a. Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo sa
b. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal.
c. Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay Blumentritt na "pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang Rizal ay isang alipin."
d. Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng kanyang asawa (
e. Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata, naipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato."
1. Karibalang Rizal at
a. Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si
b. Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba sa paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar.
c. Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa
d. Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo.
e. Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa
f. Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan.
g. Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hati-hating samahan.
1. Umalis si Rizal sa
KABANATA 18 - BAKASYON NI RIZAL SA
A. Mga Ginawa ni Rizal sa
1. Sa pag-alis ni Rizal sa
2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie.
3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian sa
4. Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted.
5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na Noli ng Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si Nellie.
6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa dalaga dahilan sa mga sumusunod:
a. Ayaw ni rizal maging Protestante
b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan.
1. Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan.
2. Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa
3. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor.
4. Nagbalik si Rizal sa
5. Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela El Fili dahl na rin sa pangiintriga ng mga nainggit na kababayan.Mula sa
6. Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si
KABANATA 19 - ANG PAGPAPALIMBAG NG EL FILIBUSTERISMO SA
Ang Bahay ni Rizal sa
1. Mula sa
2. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa
3. Naninirahan si Rizal sa
a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa
b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby
1. Sa lunsod ng
2. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran.
3. Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan.
4. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan.
5. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy.
6. Nang malaman ni
7. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo.
8. Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng Oktibre 1891.
9. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA . Ang orihinal na manuskrito ng El Fili ay iniingatan ngayon sa Filipiniana Division ng Bureau of punlic libraries. Binili ito kay Ventura sa halagang 10 000 at binubuo ng 279 pahina.
10. Ipinagkumpara ang Noli at Fili.
a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa.
b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung ikukumpara sa Noli (64 kabanata).
c.
d.
1. Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika.
2. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang ikatlong nobela.
KABANATA 20 - PANGGAGAMOT NI RIZAL SA HONGKONG
A. Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong
1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa.
2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
3. Para kupkupin ang kanyang pamilya.
A. Pamamaalam sa Europa
1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay
2. Mula sa Merseilles sumakay ng barkong
3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan.
A. Hongkong
1. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito ay nanirahan sa
2. Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at
3. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.
A. Panggagamot sa Hongkong
1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong
2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano.
3. Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
4. Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.
A. Ang Proyektong Borneo
1. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa
2. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad.
3. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan.
4. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong
A. Mga Sinulat sa Hongkong
1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng Rebolusyong Pranses ng 1789.
2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba.
3. Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa Calamba.
4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas.
5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay nagpapadala ng mga artikulo.
6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang Batas ng La liga Filipina.
A. Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila
1. Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.
a. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo
b. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
c. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay
1. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa itoo ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.
2. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na iningatan
a. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid
b. Sulat sa sambayanang Pilipino
c. Sulat sa Gobernador Heneral Despujol
1. Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.
KABANATA 21 - ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA
A. Ang Ikalawang Pagbabalik
1. Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente.
2. Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.
3. Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng.
4. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan;
5. Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.
A. Pagtatayo ng La Liga Filipina
1. Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila.
2. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:
a. Pedro Serano Laktaw aka Panday Pira
b. Domingo Franco aka Felipe Leal
c. Jose Ramos aka Socorro
d. Ambrosio Salvador
e. Bonifacio Arevalo aka Harem
f. Agustin de la Rosa aka
f1. Deodato Arellano
ambrosio Flores aka Musa
g. Moises Salvador Araw
h. Luis Villareal
i. Faustino Villaruel aka Ilaw
j. Mariano Crisostomo
k. Numeriano Adriano aka IPil
l. Estanislao Legaspi
m. Teodoro Plata
n. Andres Bonifacio aka bodegero
o. Juan Zulueta
p. Apolinario Mabini aka KAtabay
Ang KOnstitusyon Ng La Liga Filipina
a. MApagisa ang buong kapuluan sa isang katawang buo malakas at magkakauri.
b. Proteksyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat isa.
c. Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan.
d. pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura at pangangalakal.
e. Pagaaral at pagpapairal ng mga pagbabago.
motto: Unus Instar Omnium (bawat isa ay tulad ng lahat )
mga tungkulin ng mga myembro
a. sundin ang utos ng kataas taasang konseho.
b. tumulong sa pangangalap ng bagong miyembro.
c. mahigpit na panatilihing lihim ang mga desisyon ng mga awtoridad ng Liga.
d. magkaroon ng ngalang-sagisag na di maaaring palitan hanggang hindi nagiging pangulo ng kanyang konseho.
e. Iulat sa piskal ang anumang marinig na makaapekto sa Liga.
f. Kumilos ng matwid na siyang dapat dahil siyay mabuting filipino.
g. tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras.
A. Pag-aresto at Pagpapatapon
1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
2. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa
3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.
4. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong
5. pobres frailes_babasahin na nakuha sa pundiya ni lucia na isinulat ni padre jacinto na inimprenta sa imprenta de los amigos del pais, maynila
KABANATA 22 - TAPON SA DAPITAN
A. Ang Buhay ng Isang Tapon
1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento.
3. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan.
4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.
5. Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.
a. Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan.
b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.
1. Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para sa simbahan.
2. Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad.
3. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay.
4. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay.
5. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso.
6. Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.
7. Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat bahay ng Dapitan.
8. Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan:
a. Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria
b. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
c. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa.
1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.
2. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan
a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng
mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa.
b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.
c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
1. Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.
2. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan.
3. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya.
4. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar.
5. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod;
a. sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy
b. makina sa paggawa ng bricks
1. Si Josephine Bracken.
a. Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa panganganak.
b. Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama-amahan na si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente.
c. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng
d. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal.
e. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal.
1. Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya.
2. Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa
3. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica.
KABANATA 23 - HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA
1. Mula Dapitan patungo ng Maynila
a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng guardia civil.
b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa
c. Dumaan ng
1. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan
2. Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol. Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pahayagan sa barko.
3. Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-eendorso sa kanya sa Ministro ng Digma.
4. Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungong
5. Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng
6. Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpapadala ng telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan.
7. Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong naghihinalang kasangkot sa himagsikan.
8. Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa
9. Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
11. Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa
KABANATA 24 - HULING PAGBABALIK AT PAGLILITIS
A. Ang Huling Pagbabalik
1. Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay.
2. Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas.
3. Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.
4. Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na bigyan si Rizal ng habeas corpus ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya.
5. Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal sa
6. Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni Colonel Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon.
7. Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa kanya.
8. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
9. Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal.
KABANATA 25 - ANG KAGITINGAN SA BAGUMBAYAN
A. Ang mga Huling Oras ni Rizal
1. Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga.
2. Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta (Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.
3. Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.
4. Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere .
5. Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid.
6. Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt.
7. Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa
8. Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa
9. Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.
10. Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.
11. Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway .
12. Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon.
13. Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.
14. Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano.
15. Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo . Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal.
16. Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina.
17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.
18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.
19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya
20. Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan.
21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.
Proud :)
ReplyDeleteThe Casino of the Week - Dr. McD
ReplyDeleteThe Casino of 수원 출장샵 the Week: The 논산 출장마사지 Casino of the Week. 이천 출장마사지 Dr. McD, a member of the staff at the Hospitality Institute, 대구광역 출장샵 presents Jun 2, 2021 · 김천 출장마사지 Uploaded by Casino On the Web